Salamat - Lyrics, Play & Chords


Salamat - Away-Bati - Cool Off - Time In - Bulag,Pipi,Bingi - Just Can't Say - Awit ng Pangarap - If We Fall In Love - Pangarap Lang - Hawak Kamay



<<< SALAMAT >>>

Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika’y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo

Kasama kitang lumuha
Dahil sa‘yo ako’y may pag-asa

Ang awiting ito’y para sa‘yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Haaaa.. yeah yeaah

Sana’y iyong marinig, tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko’y iyong dinggin
At kung marinig ang panalangin
Lagi kang naroroon, humihiling ng pagkakataon

Masabi ko sa’yo ng harapan
Kung gaano kita kailangan

Ang awiting ito’y para sa‘yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Haaaa.. yeah yeaah

Ito na ang pagkakataon
Walang masasayang na panahon
Mananatili ka sa puso ko kailanman
Para sa yo ako’y lalaban, ako’y lalaban

Ang awiting ito’y para sa‘yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

(Repeat Chorus)



Play: Salamat – Yeng Constantino


<<< SALAMAT w/ CHORDS >>>
Click Image...

<<< TOP >>>

(--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--)

<<< AWAY-BATI >>>

Puro away, napapansin mo ba
Mamaya ngingiti, mamaya ngingiwi
Puro tampuhan, walang katapusan
Mamaya hihinto, di ka na kikibo

Di naman sa sinasabing nagsasawa na
Ang akin lang naman pwedeng ayusin pa ba
Kung ayos lang sa yo ang ganito
Sige na nga, magtitiis na lang ako

[Chorus]
Kasi nga mahal kita
Di naman pwedeng sabihin na ayaw ko na
Kasi nga mahal kita
Konting masabi, naiinis agad
Ako ba ang mali, oo ba o hindi
Sa buong araw, di pwedeng walang sigawan
Ako nga ang mali, laging nagtitimpi

Di mo naman aamining kasalanan mo nga
Nasasaktan na ako, hoy ano ka ba
Kung ayos lang sa yo ang ganito
Sige na nga, magtitiis na lang ako

[repeat Chorus]
Di naman sa sinasabing nagsasawa na
Ang akin lang naman pwedeng ayusin pa ba
Bakit ba kasi ang daming pinagtatalunan
Sige na nga, di naman kita kayang iwanan

[repeat Chorus]
Ayoko lang ng ganito
Sumasakit na ang ulo ko
Away bati tayo

Mahal kita
Kaya di ko sasabihing ayoko na
Kasi nga mahal kita

Ayoko lang ng ganito
Sumasakit na ang ulo ko
Away bati tayo



Play: Away Bati – Yeng Constantino


<<< AWAY-BATI w/ CHORDS >>>
Click Image...

<<< TOP >>>

(--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--)

<<< COOL OFF >>>

Wag ka munang magalit
Ako sana'y pakinggan
Hindi ko balak ang ika'y saktan
Hindi ikaw ang problema,wala akong iba
Di tulad nang iyong hinala

Sarili ay di maintindihan
Hindi ko malaman,Ano ba ang dahilan
Nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan
Minamahal kita,Pero kaylangan ko lang mag-isa

(Chorus)
Wag mong isipin na hindi kana mahal
Sarili ko`y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa

Wag ka sanang lumuha
Sana`y intindihin
Ito ang dapat nating gawin
Upang magkakilala pa
At malaman kung tayo
Ay para sa isa`t isa

Wag mong pigilin ang damdamin
Sa aking pagkawala,Makahanap ka bigla ng iba

Ngunit pakakatandaan
Na mahal pa rin kita,Pero kaylangan ko lang mag-isa

(Repeat Chorus)

Sarili ay di maintindihan
Hindi ko malaman,Ano ba ang dahilan
Nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan
Minamahal kita, Pero kilangan ko lang mag-isa

(Repeat Chorus 2x)



Play: Cool Off – Yeng Constantino


<<< COOL OFF w/ CHORDS >>>
Click Image...

<<< TOP >>>

(--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--)

<<< TIME IN >>>

Ako ang bida ngayon
(Masyado kang ambisyosa)
Wag kang kokontra kung ayaw mong masipa sa mukha
(Kung kaya, e di subukan na)
Masipa sa mukha
(Sipain din sa mukha)

Ako ang bida ngayon
(Hanggang pangarap ka na lang)
Sa porma kong artista, daig ko pa si Nora at si Vilma
(Wag ka nang umasa pa)
Si Nora at si Vilma
(Ilusyunada ka)

[Refrain]
Dahil Ngayong gabi,
ako’y titingalain
Ngayong gabi

[Chorus]
Ako si Darna, ako ang dyosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi

Ikaw ang bida ngayon
(Ako na nga ang bida ngayon)
Ang mga kababaihan, silaw sa iyong kagandahan
Isang prinsesa sa bintana na hinaharana
Ika’y pang-Miss Universe na

[repeat Refrain and Chorus]

Hanggang kailan kaya, Ikaw si Cinderella
Hanggang kailan kaya, Hanggang kailan kaya

Alas-nuebe na, traffic pa, Kailangan ko nang magmadali
At magta-time in pa, Male-late na naman ako
Sa trabaho kong ito, Siguradong sabon ang aabutin ko
Sa aking among gwapo, Na hindi ko kayang abutin
Hanggang tingin na lamang ba ako
Sa aking Prince Charming

Ngunit Malapit na, magugulat ka......

ako si darna ,ako ang dyosa (ang dyosa),
ako ang tala nag-niningning sa kalangitan,
ako si wonderwoman(wonder woman),ako ang superstar (superstar)
akin ang sandali ako ang reyna ng gabi........

ikaw si darna,ikaw ang dyosa ,
ikaw ang tala nag niningning sa kalangitan
Reyna ng gabi

Ako si Darna
Ay, cinderella pala



Play: Time In – Yeng Constantino


<<< TIME IN w/ CHORDS >>>
Click Image...

<<< TOP >>>

(--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--)

<<< BULAG, PIPI, BINGI >>>

Madilim ang iyong paligid
Hatinggabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sayo'y pinagkaitan

Huwag mabahala kaibigan
Isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan
Ligtas ka sa kaslanan

CHORUS
Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo
Marami sa amin nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin, wala sa'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan. Dyan ka kanila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilan, Dakila ka sa sinuman

REPEAT CHORUS

Ano sa iyo ang musika sa'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid awitan ay di madinig
Mapalad ka o kaibigan napaka-ingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo
Walang daing walang gulo

REPEAT CHORUS 2x



Play: Bulag, Pipi, Bingi – Yeng Constantino


<<< BULAG, PIPI, BINGI w/ CHORDS >>>
Click Image...

<<< TOP >>>

(--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--) (--Y--)

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...